Mga Bahagi ng Lalamunan at Leeg

Tubo ng tainga (Eustachian tube), nasopharynx, oropharynx, hypopharynx, esophagus, trachea, matigas na ngalangala, malambot na ngalangala, dila, epiglottis, at larynx

Ulo at leeg ng isang babae, pinapakita ang lymph nodes

Matigas na ngalangala: Pinaghihiwalay ang ilong mula sa bibig.

Malambot na ngalangala: Ang likuran ng bubong ng bibig.

Epiglottis: Nagpapanatili sa pagkain at likido na malayo sa trachea tuwing ika’y lumulunok.

Larynx (voice box): Lumilikha ng tunog na ginagamit sa pagsasalita.

Eustachian tube: Tubo na nagkokonekta sa lalamunan at tenga.

Nasopharynx: Ang lugar sa tuktok ng lalamunan sa likod ng ilong.

Oropharynx: Ang lugar sa gitna ng lalamunan sa likod ng bibig.

Hypopharynx: Ang lugar sa mababang bahagi ng lalamunan.

Esophagus: Tubo na nagdadala ng pagkain at likido mula sa lalamunan patungo sa sikmura.

Trachea: Tubo na nagdadala ng hangin sa pagitan ng lalamunan at baga.

Lymph nodes: Bahagi ng katawan na hugis munggo na nakakatulong na labanan ang impeksiyon ng katawan.

Online Medical Reviewer: Ashutosh Kacker MD
Online Medical Reviewer: Daphne Pierce-Smith RN MSN CCRC
Online Medical Reviewer: John Hanrahan MD
Date Last Reviewed: 7/1/2019
© 2000-2026 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.